DSWD, patuloy na tinitiyak ang seguridad ng mga kabataan lalo na sa social media

Patuloy na tinitiyak ng Department of Social Welfare Development (DSWD) ang seguridad ng mga kabataan sa bansa lalo na sa social media dahilan sa mga napapabalitang bentahan at illegal adoption sa Facebook.

Panagawan ng DSWD na ipagbigay-alam sa kanila maging sa mga awtoridad ang anumang uri ng kaso ng child trafficking upang sila’y maproteksyonan at mailaban ang kanilang mga karapatan.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Iginiit ng ahensya na kanilang paninindigan ang pagpapatupad ng Republic Act No. 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Person Act of 2012 bilang kabilang sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Samantala, hiling nila na manatiling ligtas at maalagaan ang mga kabataan upang magkaroon sila ng magandang kinabukasan sa kanilang paglaki. (ARGIE ERGINA)