Kinumpirma ng World Health Organization na hindi makapasok sa Mariupol at Mykolaiv ang mga medical supplies.
Sinabi ni Tarik Jasarevic ng WHO na sinisikap nilang makapagpadala ng mga supplies sa ibang lugar pero nanananatili silang bigo sa dalawang area.

Inihayag din ng WHO na mayroong 64 attacks sa healthcare ang kanilang na-verify hanggang noong March 21.
Binigyang diin ni Jasarevic na hindi nangangamba na ang mga health workers sa pagtupad sa kanilang trabaho habang ang mga pasyente ay natatakot nang magpadoktor.
Kaugnay nito ay nababahala ang opisyal na kapag hindi protektado ang mga healthcare, magiging mas mahirap para sa lahat lalo na at wala nang “humanitarian boundaries” sa giyera