Ipinaliwanag ni Comelec Commissioner George Garcia ang kahalagahan ng nilagadaan memorandum of agreement kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasabay ng unang araw ng kampanyahan para sa lokal na kandidato.
Paliwanag ni Garcia isa sa mga binabantayan ng DSWD ay paggamit ng mga bata sa kanilang kampanya.

Marami umanong mga pulitiko ang gumagamit ng mga bata sa mga pictures at video para magkunwaring malapit ito sa mga kabataan.
Maliban dito pinatitiyak din ng Comelec sa DSWD na hindi magagamit sa pulitika ang mga umiiral na social services at programa para sa mahihirap.
Sinabi ni Garcia na makikipagtulungan din sila sa DSWD para tukuyin ang mga social services programa na bigla nalang umusbong ngayong campaign period at ginagamit ng mga kandidato para makakuha ng boto.