MOA para sa pagtatatag ng rice processing system (rps) 2 sa Isabela, pirmado na ng PLGU at PHILMECH

Pirmado na ng Provincial Government of Isabela at ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech) ang isang Memorandum of Agreement kaugnay sa pagtatatag ng Rice Processing System (RPS) 2 sa lalawigan.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan ito ay sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program ng pamahalaan.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Inihayag naman ni Dr. Dionisio Alvindia, PhilMech Director, na ang naturang hakbang ay bahagi ng kanilang level-up intervention sa pagpapalakas ng produksyon ng bigas sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga bagong teknolohiya.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ito rin aniya ay upang matiyak na tuloy-tuloy ang pagkakaroon ng mataas na production ng bigas.

Samantala, pinangunahan naman ni Governor Rodito Albano III ang MOA signing kasama ang iba pang opisyal ng Provincial Local Government Unit.

Photo/IPIO