Mahigit 20 baril nakumpiska sa implementasyon ng gun ban

SORSOGON CITY – Sa pagpapatuloy ng PNP sa pagpapatupad ng malinis, patas at ligtas na aleksyon, mas pang pinaigting ng mga ito ang implementasyon ng gun ban bago pa man dumating ang national at local election sa Mayo 9 nitong taon.

Bunsod nito, aabot sa 24 na baril ang nakumpiska ng Masbate PNP sa iba’t-ibang lugar sa lungsod at bayan sa naturang lalawigan.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Mula Enero 9 hanggang Marso 20, aabot sa 19 na insidente ng gun ban ang naitala na nagresulta sa pagkaaresto ng 23 indibidwal.

Maliban sa 24 na nakumpiskang baril, naitala rin ang 9 na baril na isinurender sa himpilan ng pulisya ng 6 na indibidwal.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Balak naman ng Police Regional Office 5 na magpadala ng aabot sa 462 contingents sa nasabing lalawigan at ito ay pamumunuan ng Deputy Regional Director for Operations na si PCol Rodolfo Castil Jr. na tatayo bilang Regional Special Operations Task Group (RSOTG) commander.