NPA na may kinakaharap na kaso, huli sa manhunt ops

SORSOGON CITY – Sinilbihan ng kanyang warrant of arrest ang isang miyembro ng rebeldeng grupong New People’s Army na may kinakaharap na kasong pagpatay sa lalawigan ng Masbate.

Si Jurly Dometita Cuyos, nasa legal na edad ay naaresto sa ikinasang manhunt operations ng Masbate City Police katuwang ang iba pang yunit ng operatiba ng PNP.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Sa ulat, si Cuyos umano ay miyembro ng Larangan 1, Komite Probinsyal 4-Larangan Guerilla North Masbate sa ilalim ng pamumuno ni Eddie o Arnold Rosero alias ‘Star.’

Si Cuyos ang itinuro ng ilang saksi sa pamamaril sa isang Joseph Manlapaz Vicente noong Mayo ng nakaraang taon. Ang biktima ay binawian ng buhay dahil sa multiple organ failure sanhi ng tinamong tama ng bala nito sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Ang warrant of arrest sa kasong murder ay ipinalabas ng RTC Br 44, Masbate City na walang inirekomendang piyansa.