Miyembro ng OSCA-Sorsogon City, lagpas 18K na

SORSOGON CITY – Mahigit 18K na ang mga miyembro ng Office of the Senior Citizens Affair (OSCA) sa lungsod ng Sorsogon.

Ito ang kinumpirma ng pinuno ng nasabing opisina na si Aida Mella at ayon dito, mula sa dating bilang na 17,092 noong nakaraang taon umakyat na ito sa lagpas 18K ngayong taong 2022.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Aniya, marami kasi umano ang nagparehistro bukod pa sa marami ding mga talagang may edad na ang ngayong taon din lang nakapagdesisyon na magparehistro.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Paniwala ng opisyal, ang magandang mga programa ng kanilang opisina gayundin ang mga benipisyong natatanggap ng isang OSCA member ang pangunahing dahilan kung bakit patuloy na dumadami ang nagkakainteres na mag-enroll sa kanila.