Ilang grocery store sa City of Ilagan, inisyuhan ng show cause order ng DTI

Inisyuhan ng ng show cause order ng Department of Trade and Industry Isabela ang ilang grocery store sa City of Ilagan Public Market matapos magsagawa ng Comprehensive Monitoring.

Ayon sa ahensiya, walong show cause order ang kanilang ini-isyu sa mga grocery store na hindi tumutupad sa tamang paglalagay ng price tag.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Habang nasa 11 naman na Letters of Inquiry ang inisyu sa mga establishimento na nagbebenta ng produkto sa mas mataas na presyo o mas mataas pa sa inilatag na Suggested Retail Price (SRP).

Ang mga ito umano ay malinaw na paglabag sa Price Tag Law at R.A. 7394 o Consumer Act of the Philippines.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Ang naturang aktibidad ay parte ng programa ng DTI na maprotektahan ang mga mamimili sa pamamagitan ng patuloy na pagsasagawa ng Price and Supply monitoring sa mga basic necessities at prime commodities sa lalawigan.

Maging ang pagsunod ng mga business establishment at negosyante sa Fair Trade Law.