Catanduanes, may 2 aktibong kaso na lamang ng COVID-19

BNFM BICOL—Dalawa na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa islang lalawigan ng Catanduanes batay sa pinaka latest na report ng Provincial Health Office.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Sa tala ng nasabing tanggapan, ang dalawang natitirang aktibong kaso ng sakit sa lalawigan ay mula sa bayan ng Baras at Bato.

Sumipa na rin sa 3,185 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa probinsya kung saan 3,051 sa mga ito ang nakarekober na.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Wala namang naidagdag sa bilang ng mga nasawi na nananatili sa 132.###