Bagong evacuation center ng Polangui, Albay sisimulan ng ipatayo

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Local Government Unit (LGU) Polangui na sisimulan ng ipapatayo ang bagong evacuation center.

Ayon sa Local na Pamahalaan, nagsagawa na rin ng Ocular Inspection ang Alkalde sa mangilan-ngilang lokasyon sa nasabing bayan kasama si Engineer Benjamin Manalo bilang (Consultant) at mga kinatawan ng Department of Human Settlements and Urban Development Regional Office 5.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Aniya, ang mga lokasyon ay pinag-aaralan at pinagpipilian upang gawing Evacuation Center na kahalintukad rin sa Alnay Evacuation Center.

Ang pondong gagamitin ay ipinagkaloob ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa nasabing proyekto.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Aabot sa Php 40M kasama sa naipagkaloob na budget ng ahensya ay ang pondo ring gagamitin sa pagpapatayo ng tatlo pang Day Care Centers (halagang Php 2M kada isa) sa mga piling barangay.

Paalala sa publiko, ang proyektong ito ay hindi bahagi sa Election Ban na ipanatutupad ng Commission on Elections.