LEGAZPI CITY – Patuloy na tumataas ang presyo ng kopra sa buong kabikulan kung saan inabot na ng mahigit 50 ang kada kilo nito alinsunod sa ipInapalabas na datus ng Philippine Coconut Authority (PCA) Bicol.
Ayon kay PCA Albay-Catanduanes Provincial Office Division Chief I Engineer Alvin Trespeces, dahil sa mga tumamang bagyo sa Bicol Region.
Noong nakaraang taon ay naapektuhan ang mga puno ng nyog na naging dahilan ng pagkonti ng suplay kaya ngayon ay nagkakaroon ng pagtaas sa presyo ng nasabing produkto.
Dagdag pa nito, ngayon ay walang nakikitang kakulangan ng niyog sa Bicol Region kahit pa kaunti lamang ang suplay nito dahil unti-unti na umanong gumaganda ang bunga ng mga punong niyog.
Sinabi rin nitong, nasa 8 milyon ang bilang ng niyog sa buong lalawigan ng Albay kaya naman isa ito sa tinatawag na “coconut province”.
Samantala, ipinaabot rin ni Trespeces na limitahan ang pagpuputol ng puno ng niyog para gawing coco lumber dahil ito umano ay pansamantalang kita lamang at hindi katulad ng bunga ng nyog na tuloy-tuloy at kaya ring pantayan ang kita ng lumber lalo na ngayong mataas ang presyo nito.