Marcus Smart, dumepensa matapos ma-injury si Steph Curry sa kanyang pagdive

Nanindigan si Boston Celtics’ Marcus Smart na hindi siya “dirty player”matapos ang collision kay Steph Curry na ikinasugat ng Golden State Warriors star.

Sa gitna nito, agad na umalis si Curry sa laro ng second quarter sa San Francisco, matapos na magdive si Smart para sa loose ball at bumagsak sa kaliwang bente ng Golden State talisman.

Read More:  Alex Eala advances to Round of 16 in Hong Kong Open

Kaugnay nito, sumailalim si Curry sa MRI scan sa kanyang paa, kasunod ng Warriors’ 110-88 defeat, para ma-assess ang extent ng injury.

Read More:  NLEX sweeps Phoenix, advances to PBA Governors’ Cup semifinals

Samantala, inilarawan naman ni Warriors coach Steve Kerr ang aksyon ni Smart bilang “dangerous play.”

Sa gitna nito, naiintindihan naman umano ni Smart ang batikos ni Kerr, pero iginiit na hindi niya sasadyaing makasakit sa kapwa professional. //MHEL PACIA-TRINIDAD