Britney Spears, denelete ang IG account?

Kinumpirma ng ilang mga ulat na binura umano ng American pop star Britney Spears ang kanyang Instagram.

Sa isang artikulo ng TMZ, sinabi ditong tahimik na umalis si Spears sa platforms, habang may iba namang ulat na nagsasabing tinanggal ang account nito.

Read More:  Comedian Ate Gay dies at 55 after battle with cancer

Sa katunayan, kapag hahanapin ang Instagram handle ni Spears na @britneyspears, agad lang lalabas sa page ang “Sorry, this page isn’t available.”

Read More:  Cianne Dominguez faces backlash from Jeo Ong’s fans over remark on PBB livestream

Mababatid na si Spears ay bukas sa pagbibigay ng updates sa kanyang buhay, matapos na iterminate ng Los Angeles judge ang kontrobersiyal na guardianship na komokontrol sa buhay ng naturang singer sa nakalipas na 13 taon, kasama ang multimillion-dollar estate. // MHEL PACIA-TRINIDAD