Inanunsyo ni US President Joe Biden na magbibigay ang Amerika ng $1 billion na tulong sa Ukraine para sa pagpapaigting ng dipensa nito laban sa Russian forces.
Inihayag rin ni Biden na magde-deploy ang Amerika ng londer-range weapons at drones bilang patunay sa “unprecedented” support nito sa laban ng Ukraine kontra Russia.
Ayon kay Biden, direct trasfers ito ng equipment mula sa kanilang Department of Defense papunta sa Ukranian military habang nakikipaglaban sa Russian invasion.
Gayunman, wala pang paglilinaw si Biden kung magpapatupad ang West ng no-fly zone sa dating Soviet state, na ilang ulit nang tinanggihan ng NATO upang maiwasan ang escalation ng gyera.

Ipinunto ng White House na makatatanggap ang Ukraine ng karagdagang 800 Stinger anti-aircraft systems, 9,000 anti-tank weapons, 7,000 light weapons, at 20 million rounds ng ammunition.
Sa no-fly zone, ay required ang anuman bansa na magpapatupad nito na magpadala ng mga tauhan at equipment na haharang sa mga aircraft ng Russia na magtatangka na pumasok sa himpapawid ng Ukraine.
Nagbanta na si Russian President Vladimir Putin na madadamay sa giyera ang kahit anong bansa na magtatatag ng no-fly zone sa Ukraine.