Premature twins na binigyan ng “no chance of survival” nabuhay matapos mamalagi ng 5 buwan sa NICU

Nabuhay ang premature twins sa kabila ng no chance of survival ng mga doktor matapos itong mamalagi ng 5 buwan sa newborn intensive care unit (NICU).

Ang kambal na si Harley and Harry Crane ay pinanganak ng 22 weeks at 5 days na tinatawag ngayong miracle twins matapos itong pinanganak halos dalawang linggo bago ang 24 weeks na dapat itong ipinanganak at may tyansang mabuhay.

Sa kabila ng 0 percent chance of survival ng kambal, nakitaan ito senyales na pwede pang mabuhay at pinili nilang bigyan ito ng interbensyong medikal.

Ang kambal na nabuo sa In vitro fertilization IVF ay mayroong maraming health problems dahil sa kanilang premature births kasama ang chronic lung disease at sumailalim sila sa ibat-ibang surgeries.

Si Harley ay kinailangang magkaroon ng stoma bag fitted at si Harry naman ay binigyan ng injection sa mata na tumulong para maiwasan ang premature blindness.

Sa kabila ng mga ito nakaiuwi na sa kanilang tahanan ang kambal kasama ang kanilang pamilya matapos ang limang buwang pamamalagi sa hospital.### ANGELICA BUBAN, Intern