Isang eroplano bumagsak sa Iba, Zambales

Bumagsak kaninang umaga ang isang eroplano sa dagat na sakop ng Bgy. Sto. Rosario, Iba, Zambales.

Ayon kay Zambales Provincial Police Dir. Pcol. Fitz Macariola, ito ay isang RPC 5230 Air Craft at base umano sa nakuhang inisyal na impormasyon ng PNP ay mechanical failure ang posibleng dahilan ng pagbagsak.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Pito aniya ang sakay ng eroplano na pawang mga piloto at beniberipika pa ng mga otoridad ang mga pangalan nito na paalis na sana kaninang umaga ng Iba, Zambales.

Ayon naman kay Bobby Antonio, isa sa mga rescue, mga mangingisda ang agad na tumulong sa mga biktima para mailigtas ang mga ito.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Sa ngayon ay ligtas naman umano ang mga sakay ng eroplano at dinala sa Pres. Ramon Magsaysay Memorial Hospital.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'Power Cells Tuldukan HERBALCASLE ang Sakit! But why are Women more likely to experience anxiety than men? Û. www.powercells.ph'