Cameraman ng Fox News at Ukranian producer, napatay sa Kyiv

Napatay sa gitna ng bakbakan malapit sa Kyiv ang French-Irish cameraman ng Fox News at ang isang Ukranian na nagta-trabaho bilang producer ng naturang US television network.

Sa ulat ng Fox News ay nasawi ang cameraman na si Pierre Zakrzewski at producer na si Oleksandra Kuvshynova habang sugatan naman ang correspondent nito na si Benjamin Hall nang matamaan ng “incoming fire” ang kanilang sasakyan sa Horenka, na nasa labas ng capital.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Ayon kay Fox News Media CEO Suzanne Scott, patuloy na nanatili sa isang ospital sa Ukraine si Hall, na isang Briton na nagta-trabaho bilang State Department correspondent ng network.

Nakabase ang 55-anyos na si Pierre si London, ngunit noong Pebrero pa siya nagta-trabaho sa Ukraine.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Naikwento ni Scott na isang war zone photographer si Pierre na nakapag-cover na sa maraming international stories sa Iraq, Afghanistan, at Syria.

Nagbigay-pugay rin ang Fox News sa 24-anyos na si Oleksandra na minsan nang nangarap na makasalamuha ang iba’t-ibang tao sa buong mundo at maiulat ang kanilang mga storya.