Inanunsyo ng Department of Energy na bukod sa sunod-sunod na oil price hikes ngayong taon ay dapat rin paghandaan ng publiko ang nagbabadyang rate hike sa kuryente dahil sa serye ng pagtaas sa presyo ng coal.
Inihayag ito ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kabila ng inaasahang pagtaas ng kuryente sa Mayo ay tiniyak ni Cusi sa publiko na sapat ang coal supply ng bansa at kaya nitong tumagal sa loob ng isang buwan.
Pero ayon kay Cusi, humihiling ang mga producers na maluwagan ang 30-day inventory ng coal supply dahil sa pagdoble ng presyo nito at ng pangangailangan ng mas mataas na kapital.
Una nang nag-anunsyo ng rate hike ang Meralco para sa buwan ng Mayo dahil sa repricing ng presyo sa Malampaya na nakalinya sa pagsipa ng krudo sa global market.
