LGUs malaki ang patisipasyon sa pagkakaroon ng face-to-face graduation at iba pang activities – CHED Bicol

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Commission on Higher Education (CHED) Bicol na malaki ang partisipasyon ng mga Local Government Unit (LGU) sa pagkakaroon ng face-to-face graduation at iba pang mga aktibidad sa paaralan.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Education Supervisor II Dr. Ma. Pamela Viñas sinabi niyang ayon sa CHED-DOH Joint Memorandum Circular (JMC) No. 2021-004 ay maaari nang magkaroon hindi lang ng face-to-face graduation kundi iba pang mga face-to-face acitivities sa mga paaralan basta mayroong pag-apruba mula sa mga lokal na pamahalaan.

Read More:  15-year-old admits killing mother found inside abandoned septic tank in Bohol
Read More:  5 injured after military vehicle overturns and plunges into creek in Aklan

Dagdag pa nito, ang mga off-campus at co-curricular activities tulad ng NSTP, internship, field work at iba pa ay sumasailalim din sa pag-apruba ng LGUs.

Samantala, hinikayat naman ni Viñas na magpabakuna ang lahat lalo na ang mga may nais lumahok sa mga nasabing aktibidad.