SORSOGON CITY – Kasalukuyang nasa Sorsogon ang documentation at content production team ng Office of Branding and Marketing Communications ng Department of Tourism (DOT).
Ito ay upang magsagawa ng mga film shoots at mga panayam para makagawa ng mga artikulo, larawan, at video na magpapakita ng magagandang tourist attraction sa lalawigan para sa digital magazine na magtatampok ng mga lugar at atraksyon sa bansa.
Hakbang upang hikayatin ang mga domestic at international travellers na bisitahin ang Pilipinas, tulungan sila sa kanilang journey, at maipabatid sa kanila ang kasalukuyang health protocols na ipinatutupad para sa kanilang kaligtasan.
Positibo naman ang Provincial Government na ang pagiging bahagi ng digital magazine ay malaking tulong upang mas maraming turista ang bumisita sa lalawigan para sa muling pagbubukas ng turismo.
