199 na Pilipino mula sa Ukraine, malayo na sa kapamahakan – DFA

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs na nakabalik na sa Pilipinas ang karagdagang 63 Pilipino mula sa Ukraine na patuloy na inaatake ng Russia.

Sinabi ni DFA Sarah Lou Arriola, wala na sa kapamahakan ang nasa 199 na Pilipino na mula sa Ukraine.

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Ipinunto niya na nasa 63 ang balik bansa na, habang nasa 136 pa ang naghihintay ng repatriation.

Matatandaan noong Lunes ay inakyat ng DFA ang crisis alert sa lahat ng lugar sa Ukraine sa Alert Level 4 dahil sa “rapidly deteriorating security situation” sa nasabing bansa.

Read More:  Apple to provide 170,000 MacBook Neo laptops to public schools nationwide

Base sa wesbtie ng DFA, ay iniisyu ang mandatory repatriation sa Alert Level 4 kung saan ay nakararanas ang isang lugar ng “large-scale internal conflict o full-blown external attack.”