Rank 8 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Capalonga, arestado

CAMARINES NORTE- Isang lalakeng may kasong  paglabag sa Anti Child Abuse Law at ika 8 sa Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Capalonga ang dinakip  sa P-1, Barangay Exciban, Labo, Camarines Norte bandang 1:40 ng hapon nitong March 7, 2022 nang mga kapulisan ng Capalonga MPS

Ang akusado ay nakilalang si alyas “MARK”, 21 anyos na construction worker, at residente ng Purok 1, Barangay Alayao, Capalonga, Camarines Norte.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ang nasabing personahe ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong paglabag sa Special Protection of Children Against Child Abuse Exploitation and Discrimination Act (Anti-Child Abuse Law) Section 5 (B) ng RA 7610) na ipinalabas ni Hon. Judge Leo Lumabad Intia, Acting Presiding Judge ng RTC Branch 64, Labo, Camarines Norte, at may petsang February 21, 2022.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ayon sa report, ang insidente ng pang aabuso ay naganap noong Oktubre nitong nkaraan taon sa Brgy.Alayao, Capalonga, Camarines Norte, kung saan ang biktima ay kakilala ng suspek.

Isang daan dalawampung libong piso (Php 120,0000) ang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan at kasalukuyang  nasa kustodiya ng Capalonga MPS para sa kaukulang disposiyon.