40% ng mga Pinoy lumala ang estado ng pamumuhay noong nakaraang taon – SWS

Apatnapung porsyento ng mga Pilipino ang nagsabing lumala ang kalidad ng kanilang buhay, batay sa pinakahuling survey na ginawa ng Social Weather Stations (SWS).

Nasa 24 percent naman ng mga respondents ang nagsabing bumuti ang kanilang kalidad ng buhay, habang 30 porsiyento ang nagsabing hindi ito nagbabago.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Ginawa ang survey noong Disyembre 12 hanggang 16 gamit ang face-to-face interviews sa 1,440 na mga indibidwal na nasa hustong gulang.

Ang 40 porsyento na lumala ang buhay ay tinukoy ng SWS bilang mga “losers” habang ang mga bumuti ang buhay ay ang mga “gainers.”

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Sinabi ng SWS na ang resultang net gainers score ay -16 percent na inuri ng SWS bilang mediocre.

Hinati ang mga respondents sa 360 bawat isa sa Balance Luzon, Metro Manila, Visayas, at Mindanao.