Inireklamo ang dalawang mister dahil umano sa pananakit sa kanilang mga asawa sa Bgy. San Manuel, Puerto Princesa City.
Ang isang inireklamo ay si alyas Rodel 37 anyos na nanakit umano sa kinakasama na si Marites Dela Peña 40 na nagtamo ng bukol sa ulo at sugat sa leeg.
Ayon sa report ng mga rumispondeng barangay tanod ay magkasama pang nag-inuman ang dalawa at naunang umuwi ang lalaki sa kanila at doon na sila nag-away dahil umano sa selos.
Dugoan nang abotan ng rescuers si Marites at umiiyak dahil sa ginawa ng kinakasama nito.
Samantala, isang insidente din ng pananakit ang naitala sa Purok Buhanginan sa Bgy. San Manuel ganap na alas-onse kagabi kung saan sinuntok umano ng isang mister ang kanyang misis sa mukha.
Sa salaysay ng lalaki, sinundo siya sa inuman ng asawa pero hindi siya sumunod at pinaghahampas pa umano siya ng buho at habang sila’y naglalakad pauwi ay doon niya nasaktan ang asawa.