Schedule ng irrigation service cut-off, binago ng NIA MARIIS

Binago ng National Irrigation Administration Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) ang naunang schedule ng irrigation service cut-off.

Batay sa anunsyo ng naturang ahensya, nakatakda sanang ipatupad ang irrigation service cut-off sa Sabado, March 5, 2022.

Read More:  P398M Himamaylan loan-funded projects delayed by up to 1,286 days – COA

Subalit matapos ang isinagawnag on-field monitoring ay nakitang ilan sa mga lugar na sakop ng MARIIS ay nangangailangan pa ng patubig.

Kaugnay nito upang mabawasan umano ang posibleng pinsala sa mga pananim ay binago ang kanilang irrigation service cut-off.

Read More:  Fire hits PC Compound in Zamboanga City; Air Force helicopter joins response

Alinsunod sa inilabas na schedule ang Ozcariz Main Canal (OMC) at North Diversion Canal (NDC) ay sa March 10 habang ang MARIIS Main Canal at South High Canal ay sa March 13, 2022.