4 na pinaniniwalaang ninakaw na motorsiklo, narekober sa Kalinga

Narekober ng mga otoridad sa dalawang munisipalidad ng Kalinga ang inabandonang apat na motorsiklong pinaniniwalaang nakaw.

Ayon sa PNP Kalinga, una rito ay mayroong isang concerned citizen na nagbigay ng impormasyon sa Rizal Municipal Police Station na may isang Honda XRM motorcycle ang iniwan sa farm-to-market road ng Sitio Asiga, Kinama, Rizal, Kalinga.

Agad na nagtungo ang mga personnel ng Rizal MPS sa nasabing lugar kung saan nakumpirmang mayroong abandonadong motorsiklo dito na agad namang idinala sa kanilang istasyon para sa tamang disposisyon at maberipika sa LTO-Kalinga kung sino ang nagmamay-ari nito.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Samantala, narekober din ng Tabuk CPS at Rizal MPS noong March 2,2022 ang tatlo pang abandonadong motorsiklo sa Sitio Masuni, Barangay Balong, Tabuk City, Kalinga na pinaniniwalaan ring ninakaw.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Bago ang pagkakarekober ay inireport umano ng brgy. Kapitan ng San Francisco sa Tabuk CPS na mayroong tatlong kahina-hinalaang indibidwal ang nakitang nagmaneho sa mga motorsiklong narekober papuntang Brgy. Balong, Tabuk City.

Ang narekober na motorsiklo ay kinabibilangan ng dalawang black honda XRM at isang black and white XRM 125.

Pansamantalang nasa kustodiya na ng Tabuk CPS ang tatlong motorsiklo para sa karagdagang dokumentasyon at tamang disposiyon.