P3.00 oil price hike naka-amba sa susunod na linggo – sources

Umabot na sa mahigit $116 per barrel ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Ito ang inihayag ni Oil Industry Management Bureau, Director Atty. Rino Abad kasabay ng paglala ng sitwasyon at ilang mga bagay na nakakaapekto sa global market.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Ayon kay Abad sa loob lamang ng isang linggo ay pumalo sa 11 US Dollar ang itinaas sa kada bariles ng Dubai Crude oil kung saan kumukuha ng supply ang Pilipinas.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Bagama’t naka-amba na naman ang pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo tumanggi muna si Abad na tukuyin kung ilan ang magiging umento dito.

Subalit ayon sa ilang energy sources posibleng pumalo sa P3 kada litro ang itataas sa susunod na linggo.