Fuel subsidy sa transport sector posibleng sa Abril pa maibigay – LTFRB

Posibleng sa susunod na buwan pa maibibigay sa mga benepisaryo ang fuel subsidy ipinangako ng pamahalaan.

Paliwanag ni Land Transportation and Regulatory Board Executive Director Maria Kristina Cassiones, kung pagbabasehan ang special provision ng General Appropriation Act (GAA) kailangan ng tatlong buwan na sunod-sunod na pumalo sa $80 per barrell ang presyon ng langis sa world market bago ilabas ang fuel subsidy.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Inihayag naman ni Cassiones na sumulat na sila sa Department of Budget and Management na huwag nang patagalin ang paglalabas ng pondo at i-adjust na lamang ang reckoning period upang makasunod sa batas.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Iginiit ng opisyal nakahanda silang agad na ipamahagi sa mga tsuper at operators ang naturang subsidiya sa oras na dumating na ang pondo.

Maliban sa mga jeepney, kasama sa mga mabibigyan ng P6,500 fuel subsidy ay ang mga driver at operator ng bus, taxi, pati na ang mga nasa hanay ng TNVS at mga delivery rider.