SORSOGON CITY – Pinatitiyak ng ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod na magiging mabilis at hindi usad-pagong ang pagtugon ng Department of Labor and Employment (DOLE) Sorsogon sa mga kinasasangkutang isyu ng implimentasyon ng TUPAD.
Ayon sa Committee Chairman on Agriculture City Councilor Erwin Duana, hindi na bago ang mga usapin sa TUPAD gaya ng paggamit nito ng ilang personalidad lalo na sa pangangampanya at mali umanong pagtukoy ng mga benepisyaryo.
Ngunit tila walang ginagawa ang naturang ahensya upang maayos ito kahit na marami nang lumulutang na ebidensya mula pa noong nakatalikod na taon.
Umaasa ang opisyal na magiging mabilis ang imbestigasyon ng DOLE upang hindi madungisan ang kagandahan ng naturang programa para sa mga naapektuhang manggagawa ng pandemya.
