Labor group planong maghain ng pormal na petisyon para sa minumum wage increase

Plano na ng Associated Labor Union-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na maghain ng petisyon para sa wage increase o umento sa sahod ng mga mangagawa sa bansa.

Ayon sa labor group, kailangan nang dagdagan ang minimum wage ng mga manggagawang Pilipino lalo na at unti-unti nang tumataas ang mga bilihin dahil sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Sinabi ng grupo na kabilang din sa factors na dapat nang magtaas ng sahod ay dahil mataas na rin ang salary deduction sa mga manggagawa kabilang ang mga state-run insurance program benefits.

Nilinaw naman ng ALU-TUCP na aalamin pa nila kung aling mga rehiyon sa bansa ang dapat makasali sa ihahain nilang petisyon ukol sa wage increase.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Samantala, sinabi pa ng grupo na sa oras na mapag-aralan na ng husto ang naturang usapin, iaanunsyo nila kung kailan maghahain ng petisyon at kung magkano ang hihilingin nilang dagdag sa minimum wage.