‘Demurrers to evidence’ motion ng 10 frat members sa Atio Castillo hazing case ibinasura ng korte

Ibinasura ng Manila Regional Trial Court Branch 11 ang hiling ng 10 miyembro ng fraternity na sangkot sa pagkamatay ng University of Santo Tomas law student na si Horacio “Atio” Castillo III na ibasura ang hazing case laban sa kanila dahil sa umanoy kakulangan ng ebidensya.

Hindi pinaburan ng korte ang magkakahiwalay na demurrers to evidence na inihain ng 10 miyembro ng Aegis Juris fraternity dahil sa “lack of merit”.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ang demurrer to evidence ay isang mahalagang mosyon upang i-dismiss ang isang kriminal na kaso sa kadahilanang ang ebidensya na ipinakita ng prosekusyon ay nabigo upang mapanatili ang isang hatol.

Kinuwestiyon ng ilan sa mga akusado sa pangunguna ni noo’y frat leader Arvin Mabag, ang kredibilidad ng mga eksperto na iniharap ng prosekusyon at hinahangad na lumikha ng pagdududa kung namatay nga ba si Castillo dahil sa hazing, sa halip ay sinisi ito sa hypertrophic cardiomyopathy o ang paglaki ng puso.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Ang iba naman ay itinanggi na mayroong hazing, habang ang ilang akusado ay itinanggi ang partisipasyon sa kaso.

Nabatid na naging kontrobersiyal ang kaso ni Atio Castillo nang masawi ito matapos ang isang fraternity initiation noong September 2017.