“Dog food maker” company sa U.K, handang magbayad ng $6,000 para sa mga willing amuyin ang dumi ng aso

LondonNakahandang magbayad ng $6,000 ang isang kompanyang gumagawa ng dog food sa United Kingdom para sa mga indibidwal na nakahanda ring amuyin ang dumi ng aso.

Ito ang usap-usapan ngayon ng mga British netizens matapos i-anunsiyo ng kompanyang OMNI ang kanilang pakulo na bukas para sa mga dog owners sa nasabing lugar.

Ito ay may kaugnayan sa kanilang layunin na ma promote ang kanilang bagong produkto na ‘vegetarian dog food’ kung saan ang sinumang dog owner na papayag at makikipagsundong palitan ng “vegetarian dog food” ang diet ng kanilang aso ay tatanggap ng $6,685 na buwanang sahod at dalawang buwang libreng suplay ng pagkain ng aso.

Kasama sa mga kondisyon na inilatag ng kompanya sakanilang matatanggap na applicant ang pag obserba nito sa digestion, amoy ng dumi at maging ang over-all health condition ng kanilang alagang aso na kanila namang ire-report sa kompanya habang kinokonsumo ang vegetarian dog food.

Kasalukuyan pang nagpapatuloy ang aplikasyon para dito na magtatagal hanggang sa March 31.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol