Inihayag ng government adviser na bumagal ang COVID-19 vaccination rate sa Pilipinas, na posibleng dahil naabot na ng bansa ang “peak” ng populasyon na kailangang mabakunahan.
Giit ni Dr. Ted Herbosa, special adviser to the National Task Force Against COVID-19, na bigo ang gobyerno na maabot ang target na bilang ng mga kailangang mabakunahan sa bagong national vaccination days.

Pagbabahagi ni Herbosa, 3.5 million lang ang nabakunahan mula sa limang milyon na target noong February 26.
Sa ngayon, pumapalo na sa mahigit 63-M na mga Pilipino ang nabakunahan sa bansa laban sa COVID-19.