Ph nagtala ng 4.3% positivity rate para sa COVID, na pinakamababa ngayong taon

Nagtala ang Pilipinas ng 4.3 percent COVID-19 positivity rate, na pinakamababa ngayong taon.

Ayon sa bulletin ng Department of Health, ang positivity rate ay batay sa test results ng mga samples mula sa 18,766 individuals noong Feb. 27.

Paliwanag ng DOH, kadalasan naman ng outputs per week ay mababa kada Linggo.

Sa gitna nito, ang intensive care unit (ICU) bed utilization rate sa Metro Manila at sa buong bansa ay nasa 26 percent.

Sa ngayon, mayroon pang 51,592 na mga active cases, na pinakamababang bilang simula noong Jan. 5.