LGUs, binati ni Galvez para sa matagumpay na implementasyon ng PDITRV strategy

Binati ni National Task Force chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. para sa matagumpay na implementasyon ng kanilang Prevention, Detection, Isolation, Treatment, at Reintegration and Vaccination (PDITRV) strategy.

Inihayag ito ni Galvez sa gitna ng pagpapatupad ng Alert Level 1 sa maraming bahagi ng bansa, na pinakamababang antas sa bagong COVID-19 alert level system.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Ayon kay Galvez, nais niyang malagay sa Alert Level 1 ang nalalabing bahagi ng bansa upang mas lalo pang mabuksan ang ekonomiya at bumilis ang recovery nito.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Samantala, iginiit ng kalihim na kailangan magpatuloy ang kanilang pagbuo ng “wall of protection”.

Dahil diyan ay hinimok niya ang LGUs na paigtingin pa ang pamamahagi ng booster shots upang ma-sustain ang proteksyon ng bansa kontra COVID-19.