‘Work from home scheme’ optional na lang sa mga lugar na nasa Alert Level 1 – DTI

Nilinaw ni Trade Secretary Ramon Lopez na magiging optional na lamang ang work from home arrangement sa mga lugar na isasailalim sa Alert Level 1 sa susunod na buwan.

Ayon kay Lopez sa ilalim kasi ng Alert level 1 ay papayagan na ang lahat ng establisyimento, tao, o aktibidad hangang 100% full capacity.

Read More:  Padilla urges supporters to stay calm ahead of November 6 DOJ hearing

Sinabi ni Lopez na inaasahang mapapalakas nito ang mga negosyo tulad ng mga tindahan at restaurant dahil mas maraming tao ang lalabas ng kanilang mga tahanan.

Read More:  Gatchalian pushes ban on officials’ relatives in government contracts

Nabatid na batay sa anunsiyo ng Palasyo nitong weekend isasailalim sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR) at ilang iba pang lugar sa bansa mula Marso 1 hanggang 15, 2022.

Samantala binigyan diin naman ni Lopez na nanatili pa rin ang vaccination requirement sa mga indoor activities.