Cellphone ng mga pulis, iinspeksyunin para matiyak na walang naglalaro ng online sabong

Ipinag-utos ni Philippine National Police Chief Gen. Dionardo Carlos na inspeksyunin ang mga cellphone ng mga naka-duty na pulis.

Ito ay upang matiyak na walang mga pulis ang naglalaro ng online sabong.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Ginawa ni Carlos ang pahayag sa gitna ng isyu ng nawawalang mga sabungero at ang pagkahuli ng isang PNP member na nangholdap matapos malulong sa naturang sugal.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Ayon sa PNP chief ginagawa nito upang maproteksyunan din ang mga pulis mula sa pagkaka-adik sa online sa sabong.