80 mga bata, 5-11 taong gulang sa Pandan, Catanduanes nabakunahan kontra COVID-19 sa unang araw ng pediatric vaxx

BNFM BICOL—Umabot sa 80 mga bata sa bayan ng Pandan, Catanduanes ang nabakunahan kontra COVID-19 sa unang araw ng vaccination roll out para sa mga batang edad 5 hanggang 11 taong gulang sa nasabing lugar.

Idinaos ang bakunahan sa Honest Hall ng munisipyo kung saan ang mga kawani ng Rural Health Unit ang nangasiwa sa pagbabakuna sa mga batang pasok sa nasabing age group.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ayon sa RHU, mas marami pa ang mga bata sa nasabing bayan na nais magpa bakuna kontra COVID-19 ngunit sa ngayon umano ay hindi pa sapat at kulang pa ang suplay ng bakuna.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Matatandaang nitong nagdaang araw ng Lunes, nang magsimulang umarangkada ang pagbabakuna sa naturang age group sa isla kung saan target na maturukan ang aabot sa 44,000 na mga bata sa buong lalawigan.###