CAMARINES NORTE- Inihayag ni Camarines Norte Schools Division Superintendent Nympha Guemo na dapat mayroong nakatalagang Safety Officer sa bawat eskwelahan sa pagpapatupad ng face to face classes.
Ang designated Safety Officer ang magsisilbing focal person na magtitiyak na nasusunod ang health and safety protocols ng eskwelahan.
Ayon kay Guemo karamihan naman sa mga eskwelahan sa lalawigan o 92. 7 % ay mayroon nang designated na Safety Officer bilang bahagi ng managing school operations.
Kabilang din sa mga ipinaalala ng opisyal ay ang pagkakaroon ng hand washing station na mayroong malinis at ligtas na suplay ng tubig.
Dapat umanong nakalagay sa stragegic location ang handwashing facility.
Importante rin ang sapat na suplay ng tubig sa mga banyo ng eskwelahan.
Ipinaalala rin nito ang pagkakaroon ng health declaration form para sa contact tracing sa mga school personnel at estudyante.
Sisimulan ang pagpapatupad ng face to face classes sa lalawigan sa Marso 1.
