“Entsuperneur” program ng DOTr at LTFRB, nananatiling bukas para sa mga kwalipikadong miyembro ng public transport

BICOL – Patuloy na tatanggap ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mga kwalipikadong miyembro ng public transport upang maging benepisyaryo ng “EnTSUPERneur “Program.

Ang EnTSUPERneur ay programa ng DOTr at Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) na layong magbigay ng working capital at business training sa mga driver, operator, at iba pang miyembro ng pampublikong transportasyon na apektado ng Route Rationalization at Local Public Transport Route Plans (LPTRP) ng PUVMP.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Ayon pa sa advisory na ibinahagi ng LTFRB-Bicol, kabilang sa mga asistensyang maaaring ipagkaloob sa mga ito ang working capital para sa kagamitang pangnegosyo, basic training, GSIS micro-insurance at Business advisory/monitoring services subalit walang cash o pera na direktang ibibigay sa mga ITO.

Ito umano ang gagamitin ng mga benepisaryo sa pagtatayo ng mga negosyo base sa pangangailangan at kakayahan sa pamamagitan ng training na ipagkakaloob naman ng DOLE.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Para sa mga interesadong mag apply sa programa, maaaring ma download ang application form na makikita mismo sa official facebook page ng LTFRB.

Ang “EnTSUPERneur “Program ay alinsunod sa mandato DOTr, sa pamamagitan ng LTFRB at OTC, na matukoy ang mga miyembro ng pampublikong transportasyon na nangangailangan ng tulong sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya.