Paglulunsad ng ‘learning recovery system’ plano ngayon ng DepED-Bicol

BNFM BICOL—Inihayag ni DepEd-Bicol Regional Director Gilbert Sadsad, na pinag-iisipan ngayon ng kanilang ahensya ang paglulunsad ng “Learning Recovery System” para sa mga mag-aaral sa rehiyon na naapektuhan ng mababang kalidad ng edukasyon dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa opisyal, mahalagang matulungan ang mga mga estudyante sa Bicol partikular ang mga nasa unang stage ng K12 Program o ang mga nasa Kinder hanggang Grade 3, dahil ang mga ito umano ang mayorya sa mga naapektuhan ng “learning loss.”

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa ngayon aniya ay inihahanda na ng DepEd-Bicol ang mga kinakailangang hakbang at kagamitan upang masukat ang natutunan o kaalaman ng mga bata sa umiiral na ‘modular at online learning’ nang sa ganun ay matukoy rin ng ahensya ang partikular na hakbang na kanilang gagawin para matulungan ang mga ito.###  

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu