OWWA -Local, international relocation para sa mga OFWs sa Ukraine, handa na

Inihanda na ng gobyerno ng Pilipinas ang local at international relocation para sa overseas Filipino workers (OFWs) sa Ukraine, sa gitna ng napaulat na paglusob na ng Russia.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Hans Cacdac, naabisuhan na umano ang mga OFWs hinggil sa pickup points para sa relocation.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Batay naman sa ulat mula sa embahada malapit sa Poland, sinabi ni Cacdac na ang in-country relocation ay nagpapatuloy na para sa mga Pilipino sa Ukraine, na karamihan ay mula sa capital city ng Kyiv.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Dagdag nito, ang area ng relocation ay nasa 400 kilometers ang layo mula sa capital city.

Sakali namang mas lumala pa ang tensyon, ililipad ang mga OFWs palabas ng Ukraine, kung saan natukoy narin ng mga lugar na paglilikasan sa labas ng naturang bansa.