Ukraine President Zelenskiy, nangako na aarmasan ang mga mamamayan nito

Nanawagan si Ukranian President Volodymyr Zelenskiy sa mga mamamayan nito na handang dipensahan ang kanilang bansa mula sa pwersa ng Russia na lumapit sa gobyerno.

Sinabi ng Ukranian leader na mag-iisyu ang Kyiv ng armas para sa lahat ng gustong sumama sa sagupaan.

Read More:  NBI recommends charges against Tab Baldwin over deaths of Baterbonia and Adili

Hinimok naman ni Zelenskiy ang Russians na lumabas at magprotesta laban sa giyera.

Mababatid na naglunsad ang Russia ng all-out invasion sa Ukraine sa kalupaan, himpapawid, at karagatan.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Nagsisilbi ito bilang pinakamalaking pag-atake ng isang estado laban sa ibang bansa na nasa Europa mula noong World War Two.