Limang Russian planes at helicopter, napabagsak umano ng Ukraine

Inanunsyo ng Ukranian military na nagawa nitong pabagsakin ang limang eroplano ng Russia at isang helicopter sa kanlurang bahagi ng bansa malapit sa teritoryo na hawak ng mga rebelde.

Sinabi ng isang army general staff na base sa ulat ng Joint Forces Command, ay nabaril ng Ukranian military ang mga eroplano at helicopter ng Russia sa lugar ng Joint Forces operation.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Tuluyan nang sinimulan ng Russia ang pananakop sa Ukraine matapos iutos ni Russian President Vladimir Putin ang malawakang military opperations nitong Huwebes.

Hindi naging hadlang kay Putin, na nakapagpadala ng tinatayang nasa 150,000 hanggang 200,000 na sundalo sa borders ng Ukraine,  ang pagpataw ng Western sanctions sa Russia.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Ilang oras lamang matapos ang announcement ni Putin ay sinabi ng ilang international news correspondents na narinig kaagad ang mga pagsabog sa kabisera ng Ukraine na Kyiv at sa maraming iba pang lungsod.