Catanduanes  PPO, nagpaliwag hinggil sa isyu ng hindi pagpapadala ng imbitasyon sa ilang mga politiko sa isinagawang “unity walk”

BNFM BICOL—“Walang kinikilingan at apolitical” Iyan ang binigyang diin ng Catanduanes Police Provincial Office sakanilang paliwanag makaraang hindi maipaabot sa ilang mga politiko at mga kandidato ngayong darating na eleksyon sa Catanduanes ang kanilang imbitasyon. sa isinagawang “Unity Walk at Interfaith Prayer Rally” nitong Linggo.

Ayon sa pamunuan ng CatPPO, humihingi sila ng paumanhin sa mga kandidatong hindi napadalhan ng paanyaya dahil nagkataon umanong Sabado nang ipamahagi ang imbitasyon kung saan kalimitang sarado ang mga tanggapan.

Read More:  At least 29 decomposing dogs and cats found in Bulacan vacant lot

Ang ilan din umano sa mga kandidato ay walang eksaktong address kung saan nakatira batay sa record ng COMELEC kung kaya’t hindi nila alam kung saan ipapadala ang imbitasyon.

Read More:  5 injured after military vehicle overturns and plunges into creek in Aklan

Paglilinaw ng PNP, wala silang pinaburan sa pagsasagawa ng nasabing aktibidad.

Matatandaang matapos ang Unity Walk ay isinagawa naman ang Peace Signing Covenant ng mga dumalong local candidates upang ipakita ang pagkakaisa ng mga ito sa layuning magkaroon ng mapayapa, ligtas at matapat na eleksyon.###