Registration ng mga plate numbers na nagtatapos sa 1 at 2, extended ayon sa LTO

KORONADAL CITY — EXTENDED ang pagpaparehistro ng mga sasakyan sa Rehiyon-12 na may mga plate numbers na nagtatapos sa 1 at 2 o nag-expire mula noong nakaraang buwan hanggang ngayong Pebrero.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Macario Gonzaga, Regional Director ng LTO-12, sinabi nito na maaari pang magpa-rehistro na walang multa ang mga sasakyang may plate number na nag-expire noong Enero.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Hanggang Marso 31 naman maaaring magpa-rehistro ang mga sasakyang may plate number na nagtatapos sa number 2 o mag-i-expire ngayong Pebrero.

Read More:  Severed woman’s head found in Cebu as police probe link to missing caregiver

Pinalawig umano ang registration dahil pa rin sa Covid-19 pandemic.