KORONADAL CITY- UMAABOT na sa 479, 000 ang mga nakaparehistro sa PhilSys o National ID System sa buong South Cotabato simula noong Hunyo hanggang Disyembre 2021.
Ito ang inihayag Ellison Parojinog, focal person ng PhilSys – South Cotabato sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.
Ayon kay Parojinog, sa lungsod ng Koronadal umaabot sa mahigit 60, 000 na ang mga nakaparehistro para sa National ID, at nagpapatuloy hanggang sa ngayon ang registration sa buong bansa.
Inihayag nito, na maraming mga proseso ang ginagawa kagaya ng standard verification process, phisycal details at maraming iba pa upang masiguro ang tama ang mga detalye ng isang indibidwal sa national ID nito.
Dagdag ni Parojinog, mayroon din umano silang ginagawang mga duplication process upang maging unique at secure ang detalye ng isang indibidwal.
