BFAR Bicol namahagi ng fiber glass fishing boats at marine engines sa ilang mangingisda sa Albay

Legazpi City – Namahagi ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol ng mga fiber glass fishing boats at marine engines sa ilang mangingisda sa Albay alinsunod sa kanilang programang FB Pagbabago.

Ayon kay BFAR-Bicol Spokesperson Nonie Enolva, ang layunin ng nasabing distribusyon ay ang matulungan ang mga mangingisdang lubos na naapektuhan ng pandemya.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Aniya, ang mga “fiber reenforced plastics” na mga bangka ay matibay at makatutulong sa kagustuhan ng kanilang ahensya na bawasan ang paggamit ng kahoy na siyang pangunahing materyales sa paggawa ng tradisyunal na bangka.

Bukod dito, idinaraos din ng nasabing tanggapan ang pagsasakatuparan ng “Seaweeds Culture” o ang pagpapalawak ng produksyon ng seaweeds lalo na sa lugar ng Tiwi, Rapu-Rapu, Sto. Domingo at Bacacy dahil marami umano ang produktong magagawa gamit ito tulad ng noodles, toothpaste, at ice cream.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Samantala, inirekomenda rin ni Enolva sa mga mangisingisda na makiisa sa mga aktibidad ng kanilang ahensya tulad ng pagtatanim ng seaweeds sapagkat malaki ang supply at demand nito na maaaring makadagdag sa kanilang kita.