FLAG nababahala sa kalagayan ng doktor na inaresto ng PNP matapos akusahang miyembro ng CPP-NPA

Nababahala ngayon ang grupong Free Legal Assistance Group (FLAG) kaugnay sa kinaroroonan ng isang doktor na inakusahan na miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) matapos itong arestuhin ng pulisya.

Ayon sa grupo humingi sila ng access para makita sI Dr. Maria Natividad Castro sa Intelligence Group ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame kung saan iniulat na dito ito dinala at ikinulong.

Read More:  Grade 4 student dies after school deworming in Cavite

Sinabi ng FLAG na hangang ngayon ang kapatid ng doktor at ang isa pang abogado ay hindi pinayagang makita at makausap si Castro.

Si Dra. Castro ay inaresto ng pulisya noong Biyernes sa pamamagitan ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court ng Bayugan City, Agusan del Sur noong Enero 30, 2020 dahil sa umano’y kidnapping at serious illegal detention.

Read More:  Escudero open to Supreme Court review of 16-vote impeachment rule

Gayunpaman, nanindigan ang rights group na Karapatan na si Castro ay isang health worker na tumulong sa pagtatayo ng mga community center at programa sa Mindanao.