Palasyo iginiit na hindi ang mababang testing ang rason sa downward trend ng COVID-19 sa Pilipinas

Nanindigan ang Malakanyang na hindi ang mababang COVID-19 testing ang rason kung bakit bumababa rin ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ginawa ni Presidential Spokesman Sec. Karlo Alexie Nograles ang pahayag matapos sabihin ng World Health Organization na maraming lugar ang pababa ang bilang ng corona virus disease dahil sa mababang testing.

Read More:  NBI witness says VP Sara Duterte skipped threat probe, sent lawyer instead

Paliwanag ni Nograles hindi ito ang kaso dito sa Pilipinas dahil kung pagbabasehan ang datus, talagang bumababa ang kaso dahil sa mababang positivity rate.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Ibig sabihin lamang umano nito na talagang downward trend na ang COVID-19 dito sa bansa na posibleng mai-ugnay sa mas pina-igting na vaccination efforts ng pamahalaan.

Kasabay nito muli namang nanawagan si Nograles sa publiko na mag-comply sa minimum public health standards para tuluyang malabanan ang COVID-19 pandemic.